GMA Logo Boobay at Apokalipsa
What's on TV

Boobay at look-alike na si Apokalipsa, nagsabong sa 'Celebrity Bluff!'

By Cherry Sun
Published June 16, 2020 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS: Alert Level 3 still up as Mayon releases increased seismic energy
2 more bodies retrieved from landslide site at Cebu City landfill
Start your fitness journey with these tips from Brandon Espiritu

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Apokalipsa


Bumalik ang look-alike ni Boobay na si Apokalipsa para dumagdag sa kulitan at katuwaan sa 'Celebrity Bluff!'

Muling nadagdagan ng aksyon ang tagisan sa kaalaman at katatawanan sa Celebrity Bluff nang muling bumisita ang look-alike ni Boobay na si Apokalipsa.

Nitong Sabado, June 13, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Pagmamahalan ang tema ng episode dahil nakasama nila ang celebrity couples na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, Jopay Paguia at Joshua Zamora, at Matet de Leon at Mickey Estrada.

Nagpakilig man ang #JoGe love team nina Eugene Domingo at Jose Manalo at pati na ang celebrity guests, agaw-eksena naman ang muling komprontasyon ni Boobay at ng kanyang look-alike.

Kung noong nakaraang Sabado ay naglaban sa wrestling ang dalawa, nitong nakaraang episode ay nagtapatan naman sila sa pagsasabong.

Panoorin:

Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.