
Muling nagpakilig ang tambalang #JoGe nina Eugene Domingo at Jose Manalo nang ipakita nila ang kanilang secret workout sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, July 4, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Nakasama nilang maki-"Fact or Bluff" sina Rhian Ramos, Luis Alandy, Katrina Halili, Benjamin Alves, Joyce Ching at Kristoffer Martin.
Napuno ng kilig ang studio nang ipakita nina Eugene at Jose ang kanilang secret workout.
Hindi naman nagpahuli ang dalawang celebrity bluffers. Nagpakitang-gilas si Boobay sa paghu-hula hoop habang sa sumakay naman sa skateboard si Brod Pete.
Panoorin:
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.