
Mapatulo kaya ni Boobay ang kanyang luha sa loob ng 30 seconds? 'Yan ang challenge na hindi niya inurungan sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, August 22, muling napanood sina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang Bubble Gang stars. Magkakampi sina Gwen Zamora at Antonio Aquitania, teammates sina Chariz Solomon at Boy 2 Quizon, at magkagrupo naman sina Rufa Mae Quinto at Diego.
Sa unang round ng 'Fact or Bluff,' nagbigay ng kanya-kanyang sagot ang celebrity bluffers kung gaano katagal ang isang “moment.” At dahil 30 seconds ang sagot ni Boobay, pinatunayan niyang kaya niya mag-moment sa loob ng ganitong kaiksing panahon.
Emote na emote si Boobay pero mapatulo nga kaya niya ang kanyang mga luha? Panoorin ang buong video ng August 22 episode sa itaas.
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.