
Nakipagsabayan sina Eugene Domingo at Jose Manalo sa kanilang guest players sa pagmomodelo sa Celebrity Bluff.
Nitong Sabado, October 3, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Nakakulitan din nila si Wally Bayola bilang guest bluffer.
Nakasama nilang maki-'Fact or Bluff' ang mga naggagandahang female celebrities. Talagang beauty and brains ang naging labanan sa pagitan nina Georgina Wilson, Isabelle Daza at Jackie Rice.
Hindi naman nagpakabog si Eugene at nagpaturo kung paano mag-model mula sa celebrity players. Matapos nito ay game na game ding nag-pose si Eugene at Jose para raw sa kanilang billboard sa EDSA.
Panoorin ang buong video ng October 3 episode sa itaas.
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Daddy's Gurl.