What's on TV

Chuchay, nainggit sa love life ni Keanna Reeves?

By Cherry Sun
Published December 15, 2020 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SLEX, STAR toll rate hike to take effect January 1, 2026 —TRB
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Chuchay Keanna Reeves Kevin


Kilalanin ang batang nobyo ni Keanna Reeves sa December 12 episode ng 'Celebrity Bluff' dito!

Hindi mapigil ni Chuchay, character ni Gladys Guevarra, na mapa-react nang makita ang blooming love life ni Keanna Reeves at nobyo nitong si Kevin Mercado sa Celebrity Bluff.

Chuchay Keanne Reeves Kevin

Nitong Sabado, December 12 muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff. Guest bluffer sa naturang episode si Gladys bilang ang nakakatuwang batang si Chuchay.

Samantala, guest players naman sa programa ang magkaka-partner in real life. Ka-tandem ni Matet de Leon ang kanyang mister na si Mickey, kapares ni Keanna ang kanyang nobyong si Kevin, at kakampi ni Patricia Ismael ang kanyang asawang si Baret.

Napanood ding #FactNaFact ang buhay-pag-ibig ni Keanna lalo na nang ilarawan ni Kevin ang mga nagustuhan niyang katangian ng aktres. Napa-ibig daw siya kay Keanna dahil mabait, masipag, totoong tao at prangka raw ito.

Pag-amin naman ni Keanna sa nagustuhan niya kay Kevin, “Obvious ba? Siyempre, fresh. Hindi, ano naman, nagkasundo lang kami kasi mabait naman siya at saka hindi masyadong humihingi. Barya-barya lang, 'pahingi pamasahe.' 'Yun lang.”

Dahil dito, halos napa-walk out si Chuchay na may halo-halong emosyon. Paliwanag ni Jose ay bata pa raw kasi ito at wala pang karanasan sa pag-ibig.

Nang subukan namang hulihin ni Jose kung may boyfriend nga ba si Chuchay, tanggi nito, “Wala po. Wala po, may mga nireregaluhan lang pero…”

Nang magkaroon din ng pagkakataong kausapin ni Chuchay si Keanna, napatanong siya ng “Saan nakakakuha ng ganyan?”

Panoorin ang buong video ng December 12 episode sa itaas.