
Sikat na celebrity siblings ang magpapaligsahan sa katatawanan at kaalaman sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, January 23
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Samantala, dadalhin naman ng mga magkakaptid ang kanilang fun riot sa bahay sa Celebrity Bluff! Magti-team up ang basketball brothers na sina Kiefer at Thirdy Ravena, magkakampi ang dating child stars na sina Antoinette at Tom Taus, at maglalaro in tandem sina JC at Rex Intal.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!