What's on TV

Boobay, sinorpresa ng boyfriend sa set ng 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published May 12, 2021 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Boobay at Kent Juan Resquir


“Ganda mo 'te!” May sweet message si Kent Juan Resquir para kay Boobay sa 'Celebrity Bluff!'

Ikinakilig at ikinatuwa ni Boobay ang ginawang surprise visit ng kanyang nobyong si Kent Juan Resquir sa special episode ng Celebrity Bluff.

Boobay at Boobsie Wonderland

Nitong Sabado, May 8, napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Tatlong pares naman ng celebrity players na matatalik na kaibigan ni Boobay ang bumisita para maki-“Fact or Bluff.” Hindi nagpakabog ang tandem nina Ate Gay at Patricia Ishmael. Nagpasiklab sina Sheena Halili at Enzo Pineda. At hindi rin nagpatalo sina Polo Ravales at Rufa Mi. Bumalik din sa programa si Boobsie Wonderland bilang guest.

Maliban sa kanila, mas naging espesyal ang gabi para kay Boobay nang biglang dumating si Kent.

Bitbit ang kanyang regalong bulaklak, pagbati nito, “Happy birthday! Nandito lang ako para sa'yo. Ako 'yung number one mong fan. My life is you, my heart is you, my love is you. Naniniwala ako sa forever. Happy third anniversary and happy birthday.”

Maiyak-iyak namang tugon ni Boobay, “Thank you, baby! I love you. Thank you. Thank you for always being supportive. Ako rin naniniwala. Hopefully forever na 'to. Happy three years!”

Panoorin ang kilig moment na ito sa May 8 episode ng Celebrity Bluff sa video sa itaas.