GMA Logo Hargie Ganza in Centerstage
What's on TV

Hargie Ganza, manatili kaya sa Ultimate Centerstage?

By Dianara Alegre
Published February 22, 2020 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Hargie Ganza in Centerstage


Abangan kung mapananatili ni Hargie Ganza, ang unang Challenger Bida ng 'Centerstage,' ang kanyang puwesto sa Ultimate Centerstage ngayong Linggo.

Nagsimula nang umere ang Centerstage nitong February 16, at si Hargie Ganza ng Calamba, Laguna ang kinikilalang kauna-unahang Challenger Bida nang talunin nito ang kapwa Bida Kid na si Xylia Banaag sa final stage ng kumpetisyon.

Ngayong Linggo, ang karera para sa minimithing Bida Kid title ay magpapatuloy sa pagsabak ng dalawang bagong aspiring contestant.

Abangan ang mala-anghel na mga boses nina Daniela Cataytay, isang nine-year-old na Noranian at Mary Rose Ybañez, 10 years old, na tubong Baguio City.

Tutukan din ang intense vocal showdown sa pagitan ng future scientist-singer at 12-year-old na si Ralph Dorio at ng dalawang taong gulang na singer-dancer na si Jhon-Jhon Once.

Sino sa kanilang apat ang tutuntong sa centerstage at makikipagtagisan ng galing kay Hargie Ganza?

Mananatili ba si Hargie sa Ultimate Centerstage?

Alamin 'yan ngayong Linggo, 7:40 p.m. sa Centerstage.

WATCH: Hargie Ganza takes the Ultimate Centerstage!

Five-year-old Hargie Ganza's version of Whitney Houston's 'I Have Nothing' is on point!