GMA Logo Centerstage Defending Bida Rain Barquin
What's on TV

'Centerstage' hails Rain Barquin as the new Defending Bida!

By Dianara Alegre
Published March 5, 2020 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Centerstage Defending Bida Rain Barquin


Si Rain Barquin ang itinanghal na bagong Defending Bida sa Centerstage.

Kinilala si Rai Barquin, pambato ng Caloocan City, bilang ang bagong Defending Bida sa Centerstage, ang pinakabagong singing competition ng GMA.

Sa mga naunang round ng kumpetisyon ay kinalaban ni Rain ang young performers na sina Carren Frederiksen, Alexa Laude, at Ken Mangua.

Tinalo niya ang mga ito gamit ang kanyang talentong hinangaan hindi lamang ng bida voters kundi pati rin ng Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Mel Villena.

Sa huling bahagi ng kumpetisyon o sa “Beat The Bida” round, kung saan nakatunggali ni Rain ang two-time Defending Bida na si Hargie Ganza, inawit niya ang “Magpakailanman.”

Kinanta naman ni Hargie ang “Ang Buhay Ko,” na lalong nagpatindi ng laban dahil parehong mahusay ang ipinakita nilang dalawa.

Sa huli, si Rain ang nagwagi at naagaw niya kay Hargie ang Ultimate Centerstage.

Ngayong Linggo ay haharap naman si Rain sa panibagong challenger na susubok agawin sa kanya ang titulo.

Abangan ang Centerstage tuwing Linggo, 7:40 PM, pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.


Alden Richards, nakipag-dance showdown sa 'Centerstage' kids?

WATCH: Alden Richards, hanga sa 'Centerstage' contestants