
Pansamantala munang 'di eere ang kiddie singing competition na Centerstage sa loob ng tatlong linggo.
Muling magbabalik-telebisyon sa May ang programa na magpapakita ng mas pinatinding laban ng Bida Kids.
Ang hakbang ay bunsod ng taping protocols alinsunod sa safety regulations para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease ngayong pataas nang pataas ang kaso ng sakit sa bansa.
Source: Centerstage Facebook page
Ipapalit sa Centerstage ang flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3.
Kaya habang hindi pa muling magpapakitang-gilas ang mga kiddie contestants, balikan muna ang nakabibilib na performances ng Clashers sa mga susunod na linggo.
Stay safe, mga Kapuso!