
Memorable para sa young social media celebrity from Albay na si Vianna Ricafranca ang pagsali sa Centerstage.
Aniya sa kanyang Q and A video sa Facebook, ang buong experience niya ay pinahahalagahan niya dahil nakabuo rin siya ng friendship dahil sa programa. Matatandaang kasama si Vianna sa mga sumailalim sa singing workshops ng Centerstage bago magsimula ang COVID-19 pandemic.
Sambit ni Vianna, "Hindi lang naman po ang pag-share ko ng talent ang memorable moment ko kundi I also made friends with other contestants in Centerstage.
"No'ng time po na wala pang pandemic, we had workshops so sa workshops na 'yun, meron po kaming group activities na ginagawa and, in that way po, we had spread camaraderie.
"Everytime that I perform sa gitna ng entablado ng Centerstage, lahat po 'yun memorable para sa 'kin because I have shared my talent to the whole world and dahil do'n, I am so grateful na mapabilang sa mga grand finalist ng Centerstage."
Kinikilala si Vianna bilang frontrunner sa GMA singing competition dahil sa mala-"professional" niyang dating on stage.
Gayunpaman, hindi raw niya in-expect na mapapabilang siya sa grand finalists ng programa.
Paliwanag ng Bicolana, "No'ng unang laban ko po do'n sa 'Be The Bida' round, 'yun talaga 'yung pinaka nakakakaba kasi 'yun 'yung time na very uncertain kasi 'di ko po alam kung gaano kagaling 'yung kalaban ko or meron s'yang baon na pasabog, 'di ba?
"And even my dad was really nervous kasi kapag 'di ako makalusot sa round na 'yun, 'di ko na makakakanta 'yung prinepare ko na song and meron din akong songs na hindi nakalusot sa round na 'yun kasi nga it was really nerve wracking."
Patuloy ni Vianna, "So what I did is to really practice and make sure to give my best even during band rehearsals."
Nagpasalamat naman si Vianna sa 'Be The Voters' sa pagbibigay sa kanya ng standing ovation at sa Centerstage judges na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos at Mel Villena sa pagbibigay sa kanya ng "inspiring and encouraging feedbacks."
Panoorin:
Makakasama ni Vianna sa grand finale showdown ng Centerstage sina Rain Barquin, Colline Salazar at Oxy Dolorito.
Mapapanood ang kanilang tapatan sa Linggo, May 30, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.