Ang Cruz vs. Cruz ay tungkol sa isang ama na overseas Filipino worker (OFW). Iniwan niya ang kanyang pamilya at bumalik makalipas ang dalawang dekada, pagkatapos ng isang life-threatening incident.
Ngayon ay kailangan niyang harapin ang galit ng kanyang mga anak dahil sa pagkasira ng kanilang pamilya.
Ang Cruz vs. Cruz ay pagbibidahan nina Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, Cassy Lavarias.
Ang naturang afternoon drama series ay sa ilalim ng direksyon ni Gil Tejada Jr.
Huwag palampasin ang world premiere ng Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime ngayong July 21.