
Code red ang buong Starbarak's sa newest episode ng Daddy's Gurl sa darating na April 22.
Dahil walang kasambahay si Jingle (Via Antonio), dadalhin muna niya si Baby Dingdong sa Starbarak's at ipapaalaga ang kaniyang anak kay Stacy (Maine Mendoza).
Pero, mawawala nito ang baby at hihingi ng tulong sa mga kasama sa coffee shop para matunton ito.
Mahanap kaya ng mga kasamahan ni Stacy ang baby bago mag-beastmode si Mommy Jingle?
At itong si Barak (Vic Sotto) Otogan, bibisitahin ng isang old friend sa kaniyang mansyon. Single, available at maraming hobby ang kaibigan.
Kaya mapapa-isip naman tuloy ang ama ni Visitacion, kung ano ba ang puwedeng hobby na gawin niya sa edad niya.
Sulit ang tawanan at good vibes na hatid ng Daddy's Gurl this weekend, dahil makakasama natin ang OPM icon na si Boboy Garrovillo sa darating na April 22 sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).