Daddy's Gurl: Sino ang magliligtas sa mundo sa pagsalakay ni Queen M?

Mala-Hollywood movie ang handog na episode ng high-rating Kapuso sitcom na 'Daddy's Gurl,' dahil makikilala n'yo na ang “on fleek” na superhero na si Wonder Womaine (Maine Mendoza).
Paano niya gagamitin ang superpowers niya kontra sa evil alien na si Queen M (Wally Bayola) na gustong maghasik ng kaguluhan sa mundo?
Heto ang pasilip sa action-packed at kaabang-abang na special effects sa panalong episode ng 'Daddy's Gurl' sa Sabado Star Power sa Gabi, pagkatapos ng '#MPK.'




