TV

READ: Maine Mendoza, masaya sa suporta ng AlDub Nation sa solo projects nila ni Alden Richards

By Aedrianne Acar

Malapit nang magpaulan ng good vibes sina Maine Mendoza, Wally Bayola, Oyo Sotto, at Bossing Vic Sotto sa telebisyon sa pinakabagong Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.

READ: Maine Mendoza, umamin na comedy ang forte niya

Excited na ang loyal fans ni Maine dahil may kasunod agad siyang big project matapos ang successful collaboration niya with MAC cosmetics.

LOOK: Celebrities react to Maine Mendoza's lipstick collaboration

Sa interview kay Maine ng entertainment press sa pictorial ng Daddy's Gurl sa GMA Network studio, kahapon, September 24, umamin ang tinaguriang Phenomenal Star na feeling niya ay nasa exploratory stage pa rin siya sa kanyang showbiz career.

Paliwanag ng Eat Bulaga star, “Sakto lang po, feeling ko nasa process pa rin ako na para pag-explore and pagtanggap na kung ano ba 'yung mga tingin ko na hindi ko kaya kong gawin na kaya ko pala.

“So ayun, parang nasa exploration stage pa rin po ako until now dito sa showbiz.”

Kaugnay nito, natanong din ang noontime host kung may mga gagawin pa rin siyang project kasama ang onscreen partner niyang si Alden Richards.

Matatandaan na nakilala silang dalawa bilang AlDub sa sikat na segment sa Eat Bulaga na “Kalyeserye” noong 2015.

Ayong kay Maine, kahit wala pa rin siyang alam sa possible projects nila ng Pambansang Bae, looking forward pa rin siyang makatrabaho ito.

Aniya, “Hopefully naman po, in the future, pero sa ngayon nga po ayun nag-e-explore po muna kami as solo artists.

”Nararamdaman din ni Maine Mendoza na kahit may mga solo projects sila ni Alden Richards ay hindi bumibitaw ang AlDub Nation sa mainit na suporta sa kanilang dalawa.

“Tingin ko naman po na naiintindihan at natatanggap naman po nila.

“Kasi, pareho naman po 'yung AlDub fans, pareho naman po 'yung suporta na ibinibigay po nila kay Alden [Richards] and sa akin po.

“Equal din naman po like suportado 'yung Victor Magtanggol and kung ano naman po 'yung ginagawa ko.

“So tingin ko po medyo natatanggap naman nila kasi kailangan din po naming talaga mag-explore as solo artists.”