
Panay ang papuri ng comedian/TV host na si Wally Bayola sa tuwing mapag-uusapan ang fellow Dabarkad niya na si Maine Mendoza.
READ: Maine Mendoza, masaya sa suporta ng AlDub Nation sa solo projects nila ni Alden Richards
WATCH: Teaser ng bagong show nina Vic Sotto at Maine Mendoza, inilabas na!
Sa one-on-one interview ni Wally sa GMANetwork.com sa pictorial ng bago niyang sitcom last week, sinabi nito na napakalaki nang improvement na nakita niya sa Phenomenal Star simula nang sumabak ito sa showbiz noong 2015.
Matapos makilala si Maine bilang Dubsmash Queen, minahal ang tambalan nila ng Kapuso actor na si Alden Richards sa hit segment ng Eat Bulaga na “Kalyserye.”
Paliwanag ni Wally, “Malaki, malaki, lalo ako na naka-witness nung nagsisimula pa lang siya, kasi kami dalawa magkasama dun sa 'Kalyeserye' as Lola Nidora.
“Malaki ang [inimprove niya], siyempre naman, kumbaga ang dami mong pelikula, ang daming endorsements, so talagang mahahasa 'yung bata [Maine].”
Per hindi raw alam ng marami na may pagkakataong walang bilib sa sarili si Maine sa kabila ng accomplishments niya sa kaniyang career.
“Si Maine talagang talented. Ano lang minsan, tawag ditto, walang bilib sa sarili niya.
“E, isipin mo nga sabi niya, 'E, hindi ako marunong sumayaw, ever since hindi ako sumasayaw.' Pero kapag sumayaw ang galing-galing.”
Dagdag ni Wally, “Wala siyang [bilib] sa sarili niya, pero sabi ko magaling ka. Kumbaga sabi ko alam mo marami kapang idi-discover sa sarili mo.”
Abangan si Wally Bayola bilang bagong leading lady ng Eat Bulaga pioneer na si Vic Sotto sa inaabangan sitcom na Daddy's Gurl soon on GMA-7!