TV

Daddy's Gurl: Sino ang susunod na bigating bisita nina Barak at Stacy Otogan?

By Aedrianne Acar

May hinandang malaking sorpresa ang paborito ninyong Saturday night sitcom na Daddy's Gurl!

Abangan ang muling pagsasama ng tambalang Bossing Vic Sotto at Comedy Queen Aiai Delas Alas.

Sa Instagram post ng cast na sina Angelika dela Cruz at Kevin Santos, isa sa mga magiging guest nila sa patok na comedy program si Ms. Aiai.

Mapapanood din sa future episode ng Daddy's Gurl ang personal assistant ng Pambansang Bae Alden Richards na si Tenten Mendoza!

Matatandaan na nakilala si Tenten bilang si 'Kendoll' ang assistant ng karakter ni Ryzza Mae Dizon na si Boss Madam sa Eat Bulaga segment na 'Barangay Jokers.'

Patuloy na tumutok sa kulitang hatid nina Maine Mendoza at Vic Sotto sa Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.