GMA Logo Megan Young and Mikael Daez
What's on TV

Daddy's Gurl: Barak, madadamay sa away mag-asawa nila Kim at Kanye

By Aedrianne Acar
Published January 10, 2019 2:18 PM PHT
Updated January 25, 2023 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH Embassy in Thailand advice Filipinos to be cautious, vigilant
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Megan Young and Mikael Daez


Abangan ang guesting ng sweet celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa 'Daddy's Gurl.'

Oh no! Maiipit sa dalawang nag-uumpugang bato ang tatay ni Stacy (Maine Mendoza) na si Barak (Vic Sotto) sa episode ng Daddy's Gurl this weekend!

Megan Young at Mikael Daez
Megan Young at Mikael Daez

Masusubukan ang pasensya ni Barak na madadamay sa away ng mag-asawang Kim at Kanye. Ito kasing si Kim naniniwala na may ibang babae ang mister!

Ano ang mangyayari kapag kinompronta ni Kim ang diumanong kalaguyo ni Kanye?

Makikisaya sa episode ng Daddy's Gurl ang real-life couple na sina Megan Young at Mikael Daez.

Tutukan ang kanilang guesting sa kinahuhumalingan na sitcom ng buong bayan ngayong January 28, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).