TV

LOOK: Ruru Madrid goes topless in 'Daddy's Gurl' taping with Maine Mendoza

By Aedrianne Acar

Mas paiinitin ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid ang Sabado ng gabi ninyo, mga Kapuso, dahil special guest ang binatang aktor sa patok na sitcom na Daddy's Gurl!


Tampok ang former Encantadia star sa episode kung saan gaganap siya bilang si Anton, isang bortang may matinding claustrophoabia.

Ano kaya ang magiging papel ni Anton sa buhay ng millennial daughter ni Barak [Vic Sotto] na si Stacy [Maine Mendoza]?

Huwag bibitaw sa exciting at nakaka-good vibes na kuwento sa Daddy's Gurl tuwing Sabado pagkatapos ng panalong sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.