
Walang pressure na nararamdaman ang buong cast ng Kapuso Saturday sitcom na Daddy's Gurl, kaya naman mas nailalabas nila ang galing nila sa pagpapatawa.
EXCLUSIVE: Kevin Santos, nagulat nang may show siya kahit una siyang natanggal sa 'StarStruck'
Cast ng 'Daddy's Gurl,' taos-puso ang pasasalamat sa mataas na ratings
Ito ang obserbasyon ng StarStruck alum na si Kevin Santos nang siya'y makapanayam ng GMANetwork.com sa set ng Daddy's Gurl last January 22. Ginagampanan ng aktor ang role ni Daboy, ang gay friend ni Stacy (Maine Mendoza).
Paliwanag ng Kapuso comedian na mahalaga sa kanila na i-enjoy ang moment tuwing nagti-taping sila sa sitcom. Malaki din ang tiwala ni Kevin sa husay ng sumusulat ng kanilang script every week.
Saad niya, “Maganda nga 'yung kinalabasan ng Daddy's Gurl kasi nga siyempre kami hindi namin pini-pressure 'yung sarili namin para maibato 'yung ano 'yung dapat naming maibato na linya.
“Kumbaga kung ano 'yung nasa script. Maganda 'yung script na sinusulat nila Direk Chris [Martinez], so kami ang ginagawa namin ini-enjoy lang namin. Alam mong quality 'yung roles bawat isang karakter lahat mayrung moment kumbaga. So lahat nai-enjoy bawat eksena, kumbaga ayaw naming umuwi.”
Kamusta naman kaya katrabaho ang award-winning director ng kanilang comedy show si Chris Martinez?
Wika ni Kevin, “Si Direk Chris [Martinez] first time ko siya nakatrabaho. So ang ginagawa sa amin ni Direk Chris 'sige kung ano 'yung gusto niyo, ibigay niyo.'”
“Kung ano 'yung nafi-feel niyo at kung ano 'yung nafi-feel niyo sa character niyo.”
Pinuri din ng comedienne na si Chichirita na gumaganap na Beauty sa sitcom si Direk Chris na hindi ito istrikto at sobrang bait.
Aniya, “Ay ang bait ni Direk! Iba siya sa ibang direktor na istrikto, si direk parang hinahayaan niya kami na ilabas 'yung talent namin. So thankful po ako kay Direk Chris Martinez kasi ang galing niyang direktor.”