WATCH: Maine Mendoza at cast ng 'Daddy's Gurl,' lubos ang pasasalamat sa suporta ng fans
Lubos ang pasasalamat ng cast ng Daddy's Gurl na sina Maine Mendoza, Oyo Boy Sotto, Kevin Santos at Chichirita sa patuloy na pagsuporta ng fans sa kanilang show.
Inihayag din ni Maine na parang pamilya na ang turingan nila at parang hindi sila nagtatrabaho tuwing may kukunang eksena.
Saad niya, “Masaya na three months pa lang 'tapos laging number 1.
“So, siyempre, masaya kami rito and masaya kami na napapasaya namin yung mga masasayang tao na masayang nanunuod ng masayang Daddy's Gurl.
“Masaya talaga sa set kasi hindi ka nagwo-work kasi magaan lahat ng ka-trabaho tapos yung mga eksena magagaan lang naman.
“Hindi mo kailangan umiyak, so chill lang kaming lahat dito.”
Pinatunayan nilang isa silang pamilya at full force nilang hinarap ang “Mukhaktingan Challenge” ng Unang Hirit.
Panoorin ang kanilang nakatatawang reaksiyon nila sa video na ito: