GMA Logo SB19 in Daddys Gurl
What's on TV

Ano ang first impression ng SB19 kay Maine Mendoza nang magkatrabaho sila sa 'Daddy's Gurl?'

By Aedrianne Acar
Published November 15, 2019 2:26 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

SB19 in Daddys Gurl


Mapapanood ang guesting ng viral Pinoy pop boy group na SB19 sa 'Daddy's Gurl' ngayong Sabado, November 16.

Memorable para sa viral Pinoy pop boy group na SB19 ang first guesting nila sa Kapuso sitcom na Daddy's Gurl.

LOOK: SB19 at dabarkads, magbibigay ngiti sa 'Daddy's Gurl'

Binubuo ang SB19 nina Sejun, Ken, Justin, Josh, and Stell.

Sa interview ng Kapuso showbiz reporter na si Cata Tibayan, ikinuwento ni Ken ang napansin niya sa lead stars ng Daddy's Gurl na sina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Aniya, “They were very natural po 'pag sa off-cam. Kung ano po 'yung pinapakita po nila sa screen, 'yun din po sila sa off-cam.”

Hindi naman pinalagpas ni Sejun ang pagkakataong makapagpa-selfie kay Maine Mendoza.

Kuwento nito, “Sa totoo lang po, nung nakita ko po si Maine, nagpa-picture po agad ako. Sabi ko 'Uy 'yung phone ko pakikuha makikipag-selfie po ako.'

“Kasi I really look up to Maine Mendoza po talaga, ever since nung Dubsmash era po.”

Dugtong naman ni Justin, ipinaramdam din ni Maine na welcome sila sa Kapuso sitcom dahil nakipag-usap daw ito sa kanila.

“Actually parang nakakuwentuhan pa po namin siya for a while, kasi since galing din po kami sa same school.

"So kahit nasa shooting po kami, parang tina-try po niya makipag-communicate sa mga tao. Sobrang nakaka-touch din po 'yun.”

Panoorin ang SB19 sa Daddy's Gurl this November 16 na pagkatapos ng The Clash!

'Daddy's Gurl,' ginawaran bilang Best Comedy Program sa 41st Catholic Mass Media Awards