
Walang makakapigil sa pag-arangkada ng paboritong sitcom ng bayan na Daddy's Gurl, kahit may nagpapakalat ng fake news dito.
WATCH: Ruru Madrid, masayang makasama sa first #MPK ni Maine Mendoza
Pinuna ng award-winning direktor na si Chris Martinez ang isang Facebook page na nagkakalat ng maling impormasyon sa sitcom nila Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza.
Pero 'tila walang naging epekto ang mga negative post na ito sa Daddy's Gurl, dahil maraming tumutok na Kapuso at dabarkads sa episode nito last February 8.
Trending din ang Kapuso sitcom sa Twitter pati na din ang first ever guesting ni Maine Mendoza sa number one weekly-drama anthology na #MPK.
Nag-tweet naman si Maine ng kanyang pasasalamat sa lahat nang mga tao na nanood nitong Sabado ng gabi.
“Salamat sa mga nanood ng Daddy's Gurl at @magpakailanman7 .Thanks for spending your Saturday night with us! Sana nagustuhan niyo! ♥️ #MaineRuruOnMPK #DADDYSGURLParaSaTaal”
Salamat sa mga nanood ng Daddy's Gurl at @magpakailanman7. Thanks for spending your Saturday night with us! Sana nagustuhan niyo! ♥️ #MaineRuruOnMPK #DADDYSGURLParaSaTaal pic.twitter.com/ad1hF5p1Ob
-- Maine Mendoza (@mainedcm) February 8, 2020