Direk Chris Martinez, buong-puso ang pasasalamat sa mga nanood ng quarantine episode ng 'Daddy's Gurl'
Walang pagsidlan ng tuwa ang buong production team at pati na rin ang mga artista sa Daddy's Gurl sa mainit na pagtanggap ng manonood sa fresh episode ng Kapuso sitcom last Saturday, June 13.
Direk Chris Martinez, ipinasilip ang fresh episode ng 'Daddy's Gurl'
Sa kani-kanilang social media account, nagpaabot ng pasasalamat ang mga comedian na sina Kevin Santos at Chamyto sa mga tao na tumutok sa Daddy's Gurl quarantine special.
Sa tweet naman ng highly-acclaimed director na si Chris Martinez, buong-puso naman ang pasasalamat niya sa buong team ng Kapuso sitcom na naniwala sa new process na ginawa nila sa Daddy's Gurl para sa naturang episode.
Tweet ni Direk Chris, “Salamat sa aming producers, sa aming prod team at sa aming mga artista for trusting this new process.
“At salamat sa mga nanood at binigyan nyo ulit kami ng pagkakataong magpasaya. Extra shoutout sa ep writer. @noringai#DADDYSGURLQuaranThings #Bossing #VicSotto @mainedcm”
Sama-sama uli manood ng Daddy's Gurl tuwing Sabado ng gabi sa bago nitong timeslot pagkatapos ng Magpakailanman.