GMA Logo Daddys Gurl September 5 episode teaser
What's on TV

Pantaleon, aakyat ng ligaw kay Barak!

By Aedrianne Acar
Published September 2, 2020 2:44 PM PHT
Updated June 27, 2022 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: COP30: What is missing from the conversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl September 5 episode teaser


Derrick Monasterio at Ricky Davao, maghahatid ng saya sa 'Daddy's Gurl' this weekend!

Walang urungan ngayong Saturday night, dahil may aakyat ng ligaw sa tahanan ng mga Otogan!

Magugulat ang Otogan family nang dumating ang kumpare ni Barak (Vic Sotto) na si Ceferino Escobar (Ricky Davao) sa tahanan kung saan isinama niya ang nakagapos na si Pantaleon (Derrick Monasterio)!

Mali pala ang balitang nasagap nito na sinasaktan ng lalaki ang kaniyang inaanak.

Matapos malinawan ang lahat, ready na si Pantaleon na manligaw kay Stacy (Maine Mendoza).

May chance kaya ang nerd and hunky suitor na mapa-“Oo” hindi lang si Stacy, kundi pati na rin si Barak?

At naman itong “past connection” ni Ceferino at ng bruha na si Matilda (Wally Bayola)?

Pumapag-ibig na rin ba ang devil sister-in-law ni Barak?

Tutukan ang isa na namang LOL episode this coming Saturday, July 2 sa walang papantay na Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).