
Naku, handa na kaya si Barak (Vic Sotto) sa shocking revelation tungkol sa anak niyang si Stacy (Maine Mendoza) this Saturday night?
Isang bata ang susulpot sa Iconic Media at sasabihing nanay niya si Stacy!
Ano ang magiging reaksyon ng mga katrabaho ni Stacym na tila magiging instant mommy?
Special guest sa Daddy's Gurl this weekend sina Ryzza Mae Dizon at Ruru Madrid
Sa darating na Saturday episode ng Daddy's Gurl, magbabalik ang hunk na si Sir. Anton (Ruru Madrid), na mas pursigido sa panliligaw sa anak ni Barak.
Magbago kaya ang pagtingin niya kay Stacy kapag nalaman niyang may batang nagpakilalang anak nito?
Ready na ba si Sir. Anton sa madidiskubre niya kay Stacy?
Subaybayan ang laugh-out-loud episode ng patok na Kapuso sitcom na Daddy's Gurl, kung saan special guests sina Ruru Madrid at Ryzza Mae Dizon this September 19 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).