
Napuno ng katatawanan ang episode ng Daddy's Gurl noong Sabado nang mag-viral ang isang eksena ng show sa Facebook na nagpapakitang nakasuot ng face shield ang karakter ni Ina Feleo na isang multo.
Sa viral post ng isang netizen, ikinuwento nito na ngayon lamang siya nakakita ng isang multo na naka-face shield.
Umani ang post ng libu-libong likes, shares, at comments sa social media site.
Nakarating ang nasabing post sa direktor nito na si Chris Martinez, at tinawanan na lamang ang mga nakitang larawan online.
Paliwanag ni Direk Chris, “Ina Feleo's ghost with face shield role goes viral (from last night's #DaddysGurl ep). An image that got people talking about topics ranging from paranormal and (more importantly) our industry's safety protocols.
“New normal #absurdity at its finest.”
Samantala, natawa na lang din si Ina Feleo sa mga komento tungkol sa kanyang eksena sa weekly Kapuso comedy series.
Sa Instagram, ni-repost ni Ina ang litrato ng kanyang karakter at sinabing, “Happy Halloween! Nag-viral ang dahil sa face shield.”
Sa nasabing Daddy's Gurl episode, makikitang ibinigay ni Matilda (Wally Bayola) ang kanyang face shield sa isang babae matapos makita na wala itong proteksyon laban sa COVID-19. Walang kaalam-alam si Matilda na multo pala ang pinagbigyan niya ng face shield.
Sa sumunod na eksena, ipinakita si Blaire (Ina Feleo) na kausap si Burnok (Andre Paras) habang suot-suot ang face shield.
Patuloy na panoorin ang Daddy's Gurl tuwing Sabado, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).