What's on TV

Maine Mendoza at Arjo Atayde, mapapanood na magkasama sa GMA-7

By Aedrianne Acar
Published February 25, 2021 9:14 PM PHT
Updated February 26, 2021 9:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Arjo Atayde on Daddy's Gurl


Abangan ang real-life couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa episode ng 'Daddy's Gurl' sa darating na March 6!

The secret is finally out!

Mapapanood sa unang pagkakataon ang real-life couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa GMA Network. Mangyayari ito sa March 6 episode ng sitcom na Daddy's Gurl.

Kamakailan may pa-teaser ang show sa special guest nila sa unang Sabado ng Marso at finally kinumpirma sa 24 Oras ngayong gabi, February 25, kung sino ang mystery man.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa dalawa, makikita ang excitement nina Maine at Arjo.

Dito ikinuwento ni Arjo na first-time sila nagkasama ni Maine sa 2018 Metro Manila Film Festival na 'Jack Em Popoy: The Puliscredibles.'

“First time po namin magkatrabaho was sa Jack Em Popoy po. First time po namin magkatrabaho na kami na po talaga .

Sinegundahan naman ito ng Phenomenal star at sinabing, “First time din po namin mag-meet dun Sir Nelson dun sa movie sa Jack Em Popoy two years ago.”

Binalikan ng Eat Bulaga star ang naging experience sa shoot kasama ang boyfriend sa Daddy's Gurl. Binuko pa ni Maine si Arjo na kabado daw ito.

Saad niya, “Nakakatawa kasi nag-uusap kami and sinsasabi niya sa akin na medyo kinakabahan siya, tapos sabi ko, 'ano ka ba kayang-kaya mo yan,' ganyan. Na-deliver naman… best actor [smiles].”

Tuwang-tuwa naman si Arjo na nakapag-guest siya sa sitcom ng girlfriend at isa daw ito sa special moments nila together.

“I'm very happy that I got to work with her again and again it's on her birthday, so it's extra special to me. And building memories with her, so this is all the memories together we are building, and I'm very happy. Hindi ko ma-explain Sir Nelson talagang yeah! Parang finally I got to work with her.”

Valentine's Day and Birthday plans with Maine

Noong March 2019, umamin ang Daddy's Gurl star na may relasyon na sila ng aktor.

Mas lalong naging bukas si Maine sa estado ng kanyang relasyon nang makapanayam siya ng miyembro ng press sa media conference ng Metro Manila Film Festival entry niya na Mission Unstapabol: The Don Identity noong December 2019.

Dito sinabi ni Maine mismo na nakikita niya ang future niya with Arjo.

“Siyempre, hindi naman tayo magsasayang ng oras na kasama 'yung mga taong hindi natin gustong makasama habambuhay."

Ipinagdiwang naman ng dalawa ang kanilang second anniversary noong December 2020.

Natanong din Nelson ang Valentine's Day celebration nilang dalawa.

Ayon kay Maine, “Kasi, matagal na rin ako 'di nakaka-uwi, so nung Valentine's I spent it with my family po sa Bulacan. Tapos nag-dinner na lang kami the following night ni Arjo.”

Paano naman kaya ise-celebrate nilang dalawa ang nalalapit na 26th birthday ni Maine sa March 3?

Matipid ang naging sagot ni Arjo kay Nelson.

Wika nito, “Yeah, sa amin na lang po 'yung surprise.”

Sumabat naman si Maine Mendoza na for sure ay may paandar si Arjo sa kanyang special day.

“Lagi kasi Sir Nelson, may paandar 'yan as in lagi (laughs). Kaya 'di niya puwede sabihin dito , kasi malalaman ko na kung ano 'yung paandar.”

Heto pa ang ilan sa mga celebrity couple tulad nina Maine at Arjo na nagmula na magkaibang TV network:

Related content:

LOOK: Maine Mendoza and Arjo Atayde are a lovely pair at her brother's wedding