GMA Logo Daddy's Gurl episode on April 24
What's on TV

Viral content creator na si Teacher Dan, magbibigay ng voice lessons sa 'Daddy's Gurl'

By Aedrianne Acar
Published April 20, 2021 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: COP30: What is missing from the conversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Daddy's Gurl episode on April 24


Kilalanin ang bonggang teacher na magbibigay ng voice lessons kay Stacy (Maine Mendoza) sa 'Daddy's Gurl.'

Mapapakanta kayo ng “Do You Want To Build a Snowman” ngayong Sabado ng gabi, April 24 sa Daddy's Gurl, dahil bibisita sa patok na Kapuso sitcom ang viral content creator at teacher na si Danieca Arreglado Goc-ong o mas kilala bilang si Teacher Dan.

Hit na hit sa TikTok ang kulit videos ni Teacher Dan habang nagtuturo ng pagkanta ng hit song ng Disney animated movie na 'Frozen.'

Kaya, this Saturday night, abangan ang pakikigulo niya kina Barak (Vic Sotto) at Stacy (Maine Mendoza), kung saan gaganap siya bilang si Teacher Diva.

Bakit kaya kinuha ni Stacy ang serbisyo ni Teacher Diva?

May kinalaman ba ito sa hinahanda niyang big surprise para sa birthday ng Tatang Barak niya?

Huwag papahuli sa pagbisita ng TikTok star na si Teacher Dan sa Daddy's Gurl sa darating na April 24 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa nanguguna sa inyong puso na Sabado Star Power sa gabi!