
One to sawa ang tawanan na mapapanood sa Daddy's Gurl this week lalo na at isa sa pinakamagaling na kontrabida sa showbiz ang makikipagkulitan kina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.
Huwag palampasin ang guesting ni Kapuso versatile actress Gladys Reyes na gaganap bilang si Malou Manay.
Matulungan kaya ni Malou Manay na gumaling ang mga Starbarakcs employee na sina Tom at Gerry o malilintikan sila sa tapang ni Matilda (Wally Bayola)?
Sundan tuwing Sabado ng gabi ang nakaka-good vibes na kuwento ng Daddy's Gurl pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa darating na July 17.