GMA Logo Daddys Gurl episode last November 27
What's on TV

Daddy's Gurl: Hazel, ang beauty barista ng Starbaraks

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2021 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: COP30: What is missing from the conversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl episode last November 27


May bibihag sa puso ng boarders ng mga Otogan sa 'Daddy's Gurl.'

Agaw pansin ang bagong barista nila Stacy (Maine Mendoza) sa Daddy's Gurl this Saturday night.

Pressured na si Chamyto sa pag-asikaso ng Starbaraks na punong-puno ng customer, kaya naman ang mag-amang Otogan makaiisip na mag-hire ng bagong barista.

Source: GMA Network

Kaya hulog ng langit nang dumating si Hazel (Bianca Umali) na makatutulong sa coffee business ni Barak (Vic Sotto).

Sa angking ganda ni Hazel, agad na nahulog ang loob nina Carlos (Prince Carlos), Prince (Prince Clemente), at CJ (Carlo San Juan).

Pero parang walang bet si Hazel sa guwapong boarders ng mga Otogan at mas type nito ang cosplayer na si Jem (Jem Manicad).

Magkagusto kaya si Jem sa beauty barista?

Umuwi ng maaga ngayong Sabado ng gabi (November 27) at tutukan ang guesting ni Bianca Umali sa Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa panalong Sabado Star Power sa gabi!

Related content:

Direk Chris Martinez, taos-puso ang pasasalamat sa viewers na tumatangkilik sa 'Daddy's Gurl' sa loob ng tatlong taon

Maine Mendoza, sobrang thankful sa dami ng opportunities na natanggap niya kahit may pandemic