
Huwag nang lumabas this Saturday night at makisaya sa monthsary nina Stacy (Maine Mendoza) at Yasser (Yasser Marta) sa Daddy's Gurl!
Going strong pa rin ang dalawa at para sa kanilang first monthsary, may kani-kanilang paandar ang mag-jowa to mark this special day.
Source: GMA Network
Mapa-wow kaya tayo sa plano ni Stacy with Daboy and Beauty o mas tagos sa puso ang monthsary surprise ni Yasser with the help of the boarders?
Kaso, mukhang mag-aalala si Barak (Vic Sotto) nang bisitahin siya ng kumpare na si Ador (Gardo Versoza) nang malaman nito na ikakasal na ang anak nito, dahil nabuntis.
Tumutol kaya si Barak sa relasyon ng unica hija niya, dahil natatakot ito na may mangyari dito?
Bongga ang Sabado Star Power sa Gabi, ngayong January 22, sa LOL moments ng Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).