GMA Logo Yasser Marta
What's on TV

Yasser Marta, may ikinuwento tungkol kay Maine Mendoza sa 'Daddy's Gurl'

By EJ Chua
Published February 10, 2022 10:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta


First time daw makasama ni Kapuso actor Yasser Marta si Maine Mendoza sa isang acting project. Ano nga ba ang napansin n'ya kay Maine sa 'Daddy's Gurl?'

Masayang ibinahagi ni Yasser Marta sa GMANetwork.com na labis ang kanyang pasasalamat sa mga nanonood at patuloy na sumusuporta sa kanya sa GMA high-rating comedy sitcom na Daddy's Gurl.

Ayon kay Yasser, “Alam naman natin [si] Maine Mendoza, ang mga naging leading man na niya of course si Alden, sa Daddy's Gurl, sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio… tapos ako na baguhan, ako pa 'yung naging boyfriend niya tapos tumagal pa kami.”

“Sobrang laking pasasalamat ko sa lahat ng mga nanonood kasi nabasa ko nga 'yung feedback nila, ang ganda…Nakakarating sa 'kin kaya ako ang surreal ng feeling. Nakakataba ng puso, sobra. Sobrang hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na ganun 'yun pagtanggap sa akin ng fans,” dagdag pa ng aktor.

Una nang sinabi ng Kapuso heartthrob sa isang interview na sobrang hinahangaan niya ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sa pagkakaroon nito ng “natural gift” pagdating sa pag-arte nito sa harap ng telebisyon.

Kwento ni Yasser, “Wala pa ako sa Sparkle, sa GMA, nag-Spogify (Eat Bulaga) na ako, so isa ako sa mga finalist ng Spogify. Nakikita ko na rin si Maine doon na nagho-host and [napanood] ko rin siya as Yaya Dub."

"First-time ko siya makasama sa isang set, makasama sa isang acting job talaga. Sobra ako na-amaze kay Maine, dahil sa galing niya and hindi biro 'yung ganun klaseng trabaho na akala natin 'pag napapanood natin na madali lang," paliwanag ng aktor.

Dagdag pa niya "Ang effortless niya gawin 'yung mga ganun klaseng eksena at pagpapatawa. For me parang gift 'yun para sa kanya. Ang galing niya magpatawa, napaka-charming din niya. Hindi lang siya basta nakakatawa, lalambot 'yung puso mo sa pagpapatawa niya, dahil napakagaling niya.”

Kasalukuyang kinakikiligan ngayon ng mga manonood ang tambalan nina Yasser at Maine bilang magkasintahan sa naturang GMA show.

Samantala, tingnan ang vintage cars at motorcycle collection ni Yasser Marta sa gallery na ito: