GMA Logo Kelvin Miranda as Jose Mari
What's on TV

Daddy's Gurl: Barak, nagpapasok ng tsismosa sa kanyang bahay!

By Aedrianne Acar
Published February 22, 2022 3:47 PM PHT
Updated March 21, 2023 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PITX logs 180k passengers bound for provinces ahead of Christmas
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Marco Masa attends movie premiere with his Kuya Justin

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda as Jose Mari


Sino ang “Marites” sa tahanan ng mga Otogan? Alamin mga Kapuso sa darating na Sabado ng gabi.

Kalat na kalat ang tsismis na ang anak ni Barak (Vic Sotto) na si Stacy (Maine Mendoza) ay buntis na.

Teka, kaninong “Marites” nangagaling ang balita na yan?

Mukhang magugulo ang tahanan ng mga Otogan sa pagdating ng inaanak ni Barak na si Jose Mari (Kelvin Miranda) na numero uno sa tsismis.

Ipagkakalat nito na nabuntis ni Yasser (Yasser Marta) si Visitacion at ang pinakamatindi, ampon diumano ni Barak si Stacy.

Hanggang saan aabot ang maling balita na ipagkakalat ni Jose Mari?

Ano ang gagawin ni Barak kapag nalaman niya na ang inaanak niya ang nagkakalat ng tsismis tungkol sa kanyang unica hija?

Bawal mahuli sa kulit episode ng Daddy's Gurl, ngayong Sabado Star Power sa Gabi, March 25 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m.