
Sunod-sunod na sweet messages and greetings ang natanggap ni Phenomenal Star Maine Mendoza mula sa kanyang Daddy's Gurl family.
Una sa mga bumati sa ating main girl na si Stacy ang kanilang direktor na si Chris Martinez.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang award-winning director. Sabi niya sa Instagram, “Mauuna na akong bumati ng Happy Birthday sa aming oh so pretty #DaddysGurl @mainedcm Wishing you more laughter and more successes in life! Thank you for everything!”
Hindi rin nagpahuli ang gumaganap na gay best friend niya sa sitcom na si Kevin Santos. Ani ng Kapuso comedian, lagi silang nakasuporta kay Maine ano man ang mangyari.
“Happy Birthday Bff/Little sister @mainedcm nandito lang kami anytime. mahal kita!”
Touching naman ang birthday greeting ni Via Antonio na gumaganap bilang Jingle sa Daddy's Gurl. Ayon sa comedienne ay napaka-sweet at generous ni Maine bilang kaibigan.
Source: msviaantonio (IG), chamytoaguedan (IG), and carlosanjuan_ (IG)
Samantala, kaabang-abang naman ang birthday episode ni Stacy sa Daddy's Gurl bukas ng gabi!
Masorpresa kaya siya sa hinandang party ng kanyang mga mahal sa buhay at kaibigan?
Tutukan ang all-new episode ng Kapuso sitcom sa March 5, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).