GMA Logo Daddys Gurl
What's on TV

Daddy's Gurl: Ano ang plano ni Stacy para sa summer campaign ng Starbarak's?

By Aedrianne Acar
Published May 4, 2022 4:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl


Saan ang lakad ng cast ng 'Daddy's Gurl' this coming Saturday night? Tingnan ang all-new episode ng Kapuso sitcom starring Vic Sotto, Maine Mendoza, and their special guest Luis Hontiveros HERE.

Mas lalong mag-iinit ang Mayo n'yo, dahil mapapasabak sa extra hot summer campaign ang mga katrabaho at kaibigan ni Stacy (Maine Mendoza) ngayong Sabado ng gabi sa Daddy's Gurl.

Naghanda si Visitacion ng isang campaign shoot para sa coffee business nila na Starbarak's ngayong summer season.

Maging smooth kaya ang gagawin nilang campaign sa isang resort?

At ano itong makikita ni Barak (Vic Sotto) na isang mermaid na kamukhang-kamukha ng yumao niyang asawa!

Hindi kaya namamaligno lamang itong tatay ni Stacy?

Daddys Gurl episode on May 7

Samahan ang buong cast ng Daddy's Gurl sa kanilang summer episode, dahil special guest nila this weekend ang Sparkle hottie na si Luis Hontiveros!

Enjoy the summer heat with Barak and Stacy sa kanilang all-new episode ngayong Sabado ng gabi, May 7 pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).