GMA Logo Daddys Gurl episode on October 1
What's on TV

Daddy's Gurl: May bagong baby sa buhay nina Barak at Stacy?

By Aedrianne Acar
Published September 26, 2022 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl episode on October 1


Mag-ready na tumawa sa kulit episode ng 'Daddy's Gurl' ngayong October 1.

Kailangan makaiwas sa stress ang anak ni Barak (Vic Sotto) at para hindi na gumawa ng gawaing bahay si Stacy (Maine Mendoza), magha-hire sila ng kasambahay.

Sa episode ng Daddy's Gurl ngayong Sabado ng gabi, makilala ng Team Condo si Baby (Lianne Valentin) na magiging katulong nila.

Makasundo kaya ito ng mga guwapong boarders ng Otogan, lalo na ni Tiyang Matilda (Wally Bayola)?

Samantala, isang bagong barista sa Starbaraks ang aagaw ng atensyon ni Visitacion.

Magtagal kaya sa coffee shop ng mga Otogan ang kinakapatid ni Sir Lance (Oyo Sotto) na si Morgan (JC Galano)?

Tuloy ang kulitan nina Bossing Vic Sotto and Phenomenal Star Maine Mendoza sa Daddy's Gurl, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).

HETO ANG MGA INIIDOLO N'YO NA HUNKS SA DADDY'S GURL SA GALLERY BELOW: