GMA Logo Daddys Gurl
What's on TV

Daddy's Gurl: Valentine's Day ni Stacy, mapupurnada dahil sa palpak na cupid?

By Aedrianne Acar
Published February 13, 2023 6:26 PM PHT
Updated February 13, 2023 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OPINION: COP30: What is missing from the conversation
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Daddys Gurl


Mauubusan ng kilig si Stacy (Maine Mendoza), dahil sa cupid na manggugulo sa 'Daddy's Gurl!'

Mga Kolokoys, dapat n'yo abangan ang funny sitcom na Daddy's Gurl, dahil magi-guest ang Sparkle heartthrob na si Kokoy de Santos!

Sa episode this coming February 18, magugulo ang Valentine's Day celebration ni Stacy (Maine Mendoza) at Yasser (Yasser Marta).

Daddy s Gurl episode

Bakit? Kasalanan ito ni Eskupido (Kokoy de Santos), ang cupid na wala sa hulog, na kung sinu-sino ang mina-match.

Ano ang mangyayari kapag naging mag-pair sina Jingle (Via Antonio) at Prince (Prince Clemente) o kaya sina Matilda (Wally Bayola) at Lance (Oyo Sotto)?

Paano tatanggapin ni Visitacion kung ang na-match ng cupid ay si Tatang Barak (Vic Sotto) at si Chamyto?

Sundan ang kuwelang episode ng Daddy's Gurl, after ng #MPK (Magpakailanman) sa panalong Sabado Star Power sa gabi, ngayong February 18.

KILALANIN SI KOKOY DE SANTOS SA GALLERY NA ITO: