
Binahagi ni Sanya Lopez ang tatlo sa pinakamaiinit na eksenang hindi niya malilimutan sa Dahil Sa Pag-Ibig.
Una sa mga ito ay ang pagsuko ni Mariel (Sanya Lopez) ng kanyang dignidad kay Gary (Pancho Magno) para lang mabuo ang blood money na kailangan ni Eldon (Benjamin Alves).
Pangalawa naman ay noong nahuli ni Mariel si Eldon na kasama ang kanyang kabit na walang iba kung hindi si Portia (Winwyn Marquez).
Last but not the least ay ang rebelasyon ng lahat ng kasalanan ni Eldon kay Mariel. Sa eksenang ito, nakatanggap si Benjamin ng 22 na malulutong na sampal at hampas mula kay Sanya.
Huwag palampasin ang finale ng Dahil Sa Pag-Ibig this October 4 on GMA Afternoon Prime.