GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko episode on May 7 Sunday Grande sa gabi
What's on TV

Glaiza De Castro, ready na magpaiyak sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode na 'InvisiBelle'

By Aedrianne Acar
Published May 3, 2023 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ official: Discaya couple should return ill-gotten assets, if any, to state
Woman bashed on the head with hammer by ex-BF

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko episode on May 7 Sunday Grande sa gabi


Kilalanin ang bagong role ng Sparkle versatile actress na si Glaiza De Castro na si Belle sa all-new episode 'Daig Kayo Ng Lola Ko' simula ngayong May 7.

Bida sa bagong kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang ating mga pinakamamahal ina na tiyak kukurot sa puso n'yo.

Sa magical adventure na 'InvisiBelle', gagampanan ng prized Kapuso drama actress na si Glaiza De Castro ang role ng isang ulirang at masipag na nanay na si Belle.

Bagong lipat lamang ang pamilya ni Belle, isang proud mommy nina Dennis (Seth dela Cruz) at Kiko (Raphael Landicho) at asawa ni Sonny (Betong Sumaya).

Masasabing perfect nanay si Belle, 'yun nga lang hindi masunurin ang mga anak niya, Mahirap silang utusan pagdating sa gawaing bahay.

Ang hindi nila alam, may mga duwende na nakikita sila na nagambala ang tahimik na pamumuhay nang magulo nina Dennis at Kiko ang kanilang tinitirahan.

Isa sa mga duwende na si Tingting (Melbelline Caluag) ang makakapansin sa pakikitungo ng pamilya ni Belle sa kaniya na hindi na-appreciate ang mga bagay na ginagawa nito para sa kanila.

Dahil dito, maiisip ng duwende na turuan ng leksyon ang pamilya ni Belle, para maipaalala sa kanila na pahalagahan ang kanilang ilaw ng tahanan.

Ano kaya ang plano ni Tingting kay Mommy Belle?

Yayain ang buong pamilya na manood ng Mother's Day special na handog ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan bida sina Glaiza De Castro, Betong Sumaya, Seth dela Cruz, at Raphael Landicho.

Makakasama rin sa kuwento ng 'InvisiBelle' sina Melbelline Caluag at Carlo San Juan na gaganap na mga dwarves na sina Tingting at Tangtang.

Sundan ang all-new episode na ito ng award-winning weekly-magical anthology simula ngayong May 7, bago ang Happy ToGetHer.

BALIKAN ANG ILAN SA MEMORABLE ROLES NI GLAIZA DE CASTRO DITO: