GMA Logo Allen Ansay and Sofia Pablo in Daig Kayo Ng Lola Ko
What's on TV

Allen Ansay and Sofia Pablo banner new episode 'Be the Bes' in 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published May 30, 2023 3:31 PM PHT
Updated October 3, 2025 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay and Sofia Pablo in Daig Kayo Ng Lola Ko


Matapos magpakilig sa Sabado ng gabi, samahan naman ang AlFia (Allen Ansay at Sofia Pablo) sa all-new episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' kung saan gaganap naman sila bilang Tarzie at Pip!

Can enemies become friends?

Dito iikot ang pinakabagong kuwento na hatid ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa unang Sabado ng Oktubre.

Bibida sa magical-filled story na "Be the Bes" ang Sparkle Sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Sa kuwento na ito ng award-winning weekly magical anthology gaganap si Sofia bilang si Tarzie, ang natitirang miyembro ng tribu na Waki na mga tao na may kakayanan na magpagaling.

Samantala, gagampanan naman ni Allen ang karakter ni Pip, isang kalahating tao at kalahating Iwak. Ang mga Iwak ay may kakayahan na magpalit ng anyo at ayon sa mga kuwento, ang mga Iwak ang naging dahilan ng pagkaubos ng tribu ni Tarzie.

Ano kaya ang mangyayari sa oras na mag-krus ang landas nina Tarzie at Pip?

Kasama rin sa kuwento na "Be the Bes" ang Sparkada members na sina Vince Maristela, Larkin Castor, Raheel Bhyria, Sean Lucas, at Tanya Ramos. Tampok din sa episode ng high-rating magical fantasy series sina John Vic de Guzman , Kirst Viray, Lyra Micolob , at Richard Quan.

Sama-sama manood with the whole family ng all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong October 4 sa oras na 9:30 p.m. at sa GTV sa oras na 9:45 p.m.

TINGNAN ANG KILIG PHOTOS NG ALFIA RITO: