
Napabilib ang long-time Kapuso director na si Rico Gutierrez sa ipinamalas na dedication at performance ng Star of the New Gen na si Jillian Ward, na magbabalik sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa superhero story na "Captain Kitten" ngayong Sabado, October 7.
Gumanap si Jillian noon bilang si Alice sa naturang weekly fantasy series. Siya ang apo ni Lola Goreng, na ginampanan naman ng veteran movie and TV actress na si Gloria Romero na si Alice.
Sa idinaos na online grand media conference para sa new season premiere ng award-winning weekly magical anthology ngayong Miyerkules ng hapon, October 4, pinuri ni Direk Rico si Jillian sa professionalism nito kahit napaka-busy sa iba niyang project tulad ng Abot-Kamay na Pangarap.
Lahad niya, “Of course, siyempre, si Jill minsan sinasabi namin, 'Jill okay ka pa? Isa pang take?' Sasabihin niya, 'Kaya pa Direk, kaya pa natin yan'
"Na-appreciate ko kay Jill 'yun, na bilang napaka-professional niya. At gusto ko lang din sabihin na parang bilang siya ang parang pambansang soap [opera actress] ng bayan, 'yung kaniyang longest soap [Abot-Kamay na Pangarap], minsan, siyempre may cut off siya sa amin.
“Kasi, the next day kailangan siya mag-shoot ng soap niya. Pero binibigay pa rin niya 'yung 100 percent niya. Hindi siya nagpapakita na inaantok siya or pagod siya or nagmamadali siya. Na-appreciate ko 'yun Jill, napaka-professional mo talaga.”
PRETTIEST PHOTOS OF JILLIAN WARD:
Sinabi naman ni Jillian sa panayam niya sa GMANetwork.com na gusto niya maipakita niya sa family niya sa Daig Kayo Ng Lola Ko kung paano siya nag-improve bilang aktres.
Paliwanag ng Sparkle star, “Ang dami ko po na-gain pa po na knowledge and experiences po sa iba ko pong TV shows like Prima Donnas and Abot-Kamay na Pangarap. So, ngayon medyo mature na po talaga 'yung atake ko sa mga eksena. So, medyo nag-iba po talaga.”
“Pero, sabi ko nga po kanina ang trato po sa akin ng Daig family is 'yung parang batang Jillian pa rin po, parang ang feeling ko po baby pa rin po nila ako parang ganun.”
CAPTAIN KITTEN BEHIND-THE-SCENES PHOTOS:
Sigurado magiging action-packed ang upcoming episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko at masasaksihan n'yo ang adventure ni Kat o si Captain Kitten.
Ayon kay Jillian na “challenging” ang pagganap niya sa isang superhero role.
“Dati po kasi naging part po ako ng Captain Barbell. Ako po doon si Super Tiny. Sobrang cute, kasi parang ganiyan din 'yung costume ko noon. As in same color, 'tapos meron pa pong mask. As a dalaga na po, first action role ko po siya.”
Pagpapatuloy ni Jillian, “Ang saya po kasama ng cast mates ko and the production. 'Tapos, nasakto pa po like nag-birthday si Direk Rico, so sakto po na kami 'yung kasamang cast.
“Medyo naging challenging po siya for me, kasi nakakapagod po pala na mag-action scenes, mag fight scenes. Tapos naka-costume ka pa po na parang naka-bodysuit. So, something new po talaga siya para sa akin.”