
Big ang love na ibibigay ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa unang araw ng Love month dahil dalawang malalaking bituin ang bibida sa all-new story nila na "My Crown Prince."
Sa darating na February 1, mapapanood sa 'kilig-filled' episode sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at K-heartthrob Kim Ji-soo.
First time ni Ji-soo na mag-guest sa Daig Kayo Ng Lola Ko, samantala naka-ilang projects na si Barbie sa weekly-fantasy series.
Ilan sa kuwento na pinagbidahan ni Barbie ay ang "Lady & Luke" kung saan nakatambal niya si David Licauco.
Napanood din siya sa mga kuwento na "Snow White and the Seven Dwarfs," "Okay Ka, Genie Ko," "Sa Ilalim ng Buwan," "Captain Barbie," at "Lelang & Me."
Heto ang pasilip sa kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko:
RELATED CONTENT: GET TO KNOW BARBIE FORTEZA AND KIM JI-SOO