LOOK: Scarlet and Declan vs. Luningning and Dakila

Masusubukan ang tapang ng modern couple na sina Scarlet (Barbie Forteza) at Declan (Rob Gomez) na planong i-redecorate ang isang ancestral house sa probinsiya para iparenta bilang Airbnb.
Pero tila may kababalaghang itinatago ang lumang bahay dahil sa isang lumang portrait magpapakita ang mga dating may-ari nito na sina Luningning at Dakila (Anjo Damiles).
Pumayag kaya ang mga dating may-ari sa binabalak nina Scarlet at Declan sa kanilang tahanan?
Ano ang magiging reaksyon ni Scarlet kung malaman niyang great grandparents niya sina Luningning at Dakila?
Heto ang pasilip sa mangyayari sa all-new story na "Lelang & Me" episode sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ngayong Linggo ng gabi!




