Daig Kayo Ng Lola Ko: Purrrfect Saturday with Captain Kitten

Super comeback ang hatid ng award-winning children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko na muling magbabalik sa telebisyon simula October 7.
Yes, purrrfect ang bonding ng whole family tuwing Saturday night, dahil bibida sa brand-new story na 'Captain Kitten' ang Star of the New Gen na si Jillian Ward.
Makikilala n'yo na ang not your average teenager na si Kat (Jillian Ward) na certified animal lover na nagvo-volunteer para protektahan at maalagaan ang mga stray animals.
Pero, sa isang pambihirang pagkakataon, mabibigyan si Kat ng kapangyarihan na gagamitin niya para labanan ang kasamaan at mga taong may maitim na binabalak sa mga hayop.
SHOWBIZ JOURNEY OF JILLIAN WARD:
Tutukan ang superhero adventure na ito sa Daig Kayo Ng Lola Ko na dinirehe ng long-time Kapuso director na si Rico Gutierrez!
Heto ang pasilip sa ilang behind-the-scenes ng kuwento pagbibidahan ni Jillian Ward na 'Captain Kitten!'




