Daig Kayo Ng Lola Ko: Hanapin ang sumumpa kay Hannah!

May friendship over ba na magaganap sa pagpapatuloy ng kuwento ng 'Over My Half Body' sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Sabado ng gabi?
Problemado sina Hannah (Shayne Sava) at kaniyang Lola Nanette (Madeleine Nicolas) dahil sa nangyayari sa kaniyang nakakatakot na transformation tuwing sumasapit ang gabi.
Si Hannah kasi, nahahati ang katawan at nagiging manananggal!
Hihingi sila ng tulong sa isang albularyo para maliwanagan sa nakakagimbal na sitwasyon na hinaharap nilang pamilya.
Matuklasan kaya ni Hannah na ang mismong BFF niya na si Libby (Althea Ablan) ang pasimuno sa sumpa niyang maging manananggal?
Heto ang pasilip sa part 2 ng "Over My Half Body" sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong May 24 sa oras na 9:30 p.m. sa Sabado Star Power sa gabi.




