Daig Kayo Ng Lola Ko: Meet Empress Joy and Princess Joy!

Christmas heats up with an intense fight for love sa all-new story ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Sabado ng gabi!
Mukhang walang joy ngayong Pasko dahil dalawang babae na may kakaibang kapangyarihan ang magpapasiklaban sa isa't isa.
May ari ng ice cream stand si Empress Joy (Faith Da Silva) mula sa angkan ng Frio na may kapangyarihan ng yelo.
Isang araw, may darating na new neighbor na si Princess Joy (Herlene Budol) mula sa Fuego clan na may powers ng apoy.
Mortal na magkaaway ang pamilya ng dalawang babae at mas titindi ang kanilang iringan sa pagdating ng cutie doktor na si Tristan (Jeric Gonzales).
Sino kaya sa dalawang magical ladies ang mananalo sa puso ni Doc pogi?
Totoo kayang isang harmless doctor to the barrio si Tristan o may lihim siyang itinatago?
Sama-samang panoorin with the whole family ang episode na perfect start sa 'BER' months!
Tutukan ang kuwento ng 'Joy to the World' sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong September 7 sa oras na 9:30 p.m.




