Daig Kayo Ng Lola Ko: The two Joys are in danger!

Sisimulan na ni Kathleen Joy (Rochelle Pangilinan) ang paghihiganti sa kaniyang mga pinsan!
Sa all-new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Sabado ng gabi, gagamitin ni Kathleen si Tristan (Jeric Gonzales) na nasa ilalim ng isang gayuma para makuha ang magical headbands ng dalawa.
Unang target nito ang headband ni Princess Joy (Herlene Budol).
Pero, matutuklasan ni Empress Joy (Faith da Silva) ang plano niya at agad babalaan si Princess.
Paniwalaan kaya ni Princess ang mortal enemy niya na si Empress o mas mananaig ang pagkagusto niya kay Tristan?
DASHING PHOTOS OF JERIC GONZALES:
Heto ang pasilip sa magical finale ng 'Joy to the World' ngayong September 14 sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman).





