TV

READ: Ano ang naging reaksyon ni Jillian Ward nang malaman niyang siya ang kakanta ng theme song ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

By AEDRIANNE ACAR

Looking forward ang Kapuso tween na si Jillian Ward sa pilot episode ng bago niyang show na Daig Kayo Ng Lola Ko next week, April 30.

READ: Direk Rico Gutierrez napahanga kay Marian Rivera nang pumayag ito magmukhang taong grasa sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

Makakasama niya sa kid fantasy show sina Chlaui Malayao, David Remo, Julius Miguel at ang millennial lola ng Meant To Be na si Gloria Romero.

Nakakaramdam ba ang magandang dalaga ng pressure sa nalalapit na pilot airing kanilang show?

“Excited po, kasi, lalo na po ako, hindi ko pa po napapanood. So excited na po ako mapanood ‘yung animations, ‘yung mga storya.”

Ang former Trudis Liit star ang napili din ng GMA Network na kumanta ng official theme song ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ayon kay Jillian, binigay niya ang best niya sa opportunity na ibinigay sa kaniya dahil passion din niya ang pagkanta.


Aniya, “Siyempre masaya po kasi hindi naman po lagi ako ‘yung nakakakanta. Kaya po talaga pong binigay ko po ‘yung best ko sa pagkanta ko po. Excited po ako kasi passion ko din po talaga ‘yun eh.”

Game din daw siya na magkaroon ng sarili niyang album at kumanta ng iba’t-ibang genre.

“Kahit anong genre po mostly eh. Basta lang po ‘yung may magandang meaning po ‘yung kanta parang 'yang Daig Kayo Ng Lola Ko,  ‘yun po ‘yung mga gusto ko pong mga kanta.”

MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

EXCLUSIVE: Veteran star Gloria Romero impressed with how Jillian Ward and David Remo developed as good actors

EXCLUSIVE: Jillian Ward, nahirapan sa mga eksena niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

IN PHOTOS: A quick look at the cast of 'Daig Kayo Ng Lola Ko'