TV

WATCH: Maine Mendoza as Osang Tsismosa in 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar

Ano ang ginagawa sa isang taong petmalu kung magkalat ng tsismis?

Tiyak maiibigan ninyo mga Kapuso ang karakter ni Osang Tsismosa na bibigyan-buhay ng nag-iisang Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza sa hindi mapantayan na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Ano kayang kapalaran ang naghihintay kay Osang at ano ang gagawin niya kung isang werpa na sumpa ang ipataw sa kaniya?

Huwag magpahuli sa isang kapana-panabik na istorya na kapupulutan ninyo ng aral sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos All-Star Videoke sa Sunday Grande sa gabi.